Mga Festivals ng Pilipinas
Ati-Atihan Festival
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Kasaysayan
Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.
Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati."
Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino.
Aktibidad
Ang Ati-atihan ay punung-puno ng makukulay, masasaya na aktibidad gayun din ang kanilang malalim na paniniwala sa pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap. Ilang araw bago ang mismong araw ng kapistahan, ang mga deboto ay dumadalo sa siyam na arw na misa para sa Santo Nino at benefit dances. Ang masigla at pauli-ulit na indayog ng tunog ng tambol, kasabay ang pagsayaw ng mga tao sa kalsada ay hudyat ng unang araw ng kapistahan. Pagdating ng ikalawang araw, ang mga deboto ay sama-sama sa rosary procession sa madaling araw na nagtatapos sa isang community mass.
Sa huling araw ng pista, isang makulay na kumpetisyon ang ginaganap mula sa iba't-ibang grupo na kumakatawan sa mga tribo. Maliban sa tradisyonal na pagpipinta ng itim na pintura o pagpahid ng uling sa kanilang katawan, ang mga kalahok ay nagsusuot ng makukulay at mapanlikhang mga kasuotan na kadalasan ay gawa sa abaka, shells, balahibo ng hayop, kawayan, dahon, cogon, at bulaklak. bago matapos ang araw, isang prusisyon ang magaganap kung saan ang mga deboto ay may dala-dalang mga bamboo torches at imahen ng Santo Nino. Ang nagwagi naman sa pista ay ide-deklara sa isang masquerade ball.

Sinulog Festival
Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
Pahiyas Festival
Ang pahiyas festival ay isanf makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron saint ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na “"kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at dito nila naipapakita ang kanilang talento sa pagiging artistiko sa pagpapalamuti ng kanilang mga bahay.

Moriones Festival
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
Kaugalian
Umpisa pa lamang ng Lunes Santo, ang mga mamamayang nagtitika ay nagsusuot ng mga damit na mistulang sundalo sa sinaunang Roma o senturyon. Ang kanilang matitingkad na costume gayun din ang makukulay na mga maskara ay nakakapagbigay ng paniniwala na sila ay matatapang at malulupit na mga sundalo. Sa kanilang paglibot, sila ay gumagawa ng mga practical jokes sa mga lokal o di kaya ay tinatakot ang mga bata. Ang iba naman ay nagiiba ng boses na mistulang tinig ng ibon. Kasama sa pagpepenitensya nila ay ang pagitiis na maglakad at maglibot sa buong bayan sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ang kagawiang ito ay ang pagsasadula sa paghahanap ng mga senturyon kay Longinus.
Kasaysayan
Ayon sa alamat, si Longinus, isa sa mga sundalong bulag ang isang mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.
Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.
Pista ng Itim na Nazareno
Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.
Kasaysayan
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong Setyembre 10, 1606.
Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe. Makalipas ang labinlimang taon, nabuo ang Cofradia de Jesús Nazareno at itinatag noong Abril 21, 1621. Nakatanggap ito ng Papal approval noong Abril 20, 1650 mula kay Pope Innocent X.
Noong 1787, si Basilio Sanco Junta y Rufina, ang Arsobispo ng Maynila ay nagutos na ilipat ang imahe sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay Saint John the Baptist.
Ang imahe ng Nazareno ay naisalba sa iba't-ibang kalamidad at digmaan tulag noong nasunog ang simbahan sa Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayun din ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pambomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan.
Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahe at mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahe ay nanatiling nakalagak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahe ay matatagpuan sa loob ng simbahan.